PARA kay Senate President Sherwin Gatchalian, hindi pangkaraniwan ang P2.7 billion financial transactions ni Vice President Sara Duterte mula 2009 hanggang 2013.

“Tinitingnan ko itong report ninyo, at may nakita akong pattern dito, from 2009 to 2013, ang transactions reported by VP Sara ay, for that time frame alone, was about P2.7 billion. Lumalabas parang those transactions were almost 70 to 80 percent of the total P3.3 billion (for 2007 to 2025),” wika ni Gatchalian kay prosecution witness lawyer Ronel Buenaventura.

“So, for example, sa 2009, P700 million, 2010, P600 million, 2011, P500 million…it’s an unusual trend, compared to the others na on the average P40 million lang ang transactions, ito it’s about P2.7 billion in a span of five years,” dagdag ng Senate president.

Sinilip din ni Gatchalian ang 34 suspicious transaction reports (STRs) na naitalaga ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung saan 30 ay naitala sa pagitan ng 2022 at 2025.

“Out of the 34 STRs, again kay VP Sara ito, 30 nasa period between 2022-2025. So that’s about 80 percent ng kanyang STRs, nasa 3 taon lang,” dugtong ni Gatchalian.

“Bakit nasa tatlong taon lang out of the entire 18-year period (2007 to 2025)? Bakit nandun ang bulto ng STRs?”

Base sa AMLC report, ang 30 STRs ng covered transactions ay mayroong kabuuang halaga na P60.9 million.

Samantala, sinabi ni Private Prosecutor Atty. James Bryan Ibrahim Alih na ang combined year-end balances ng mag-asawang Duterte at Atty. Manases Carpio ay mahigit sa ₱190 million sa nasa 30 active bank accounts ng dalawa sa loob ng apat ng taon subalit hindi nakadeklara sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ng nasasakdal.

Ginawa ni Alih ang pahayag bago iprinisinta si Land Bank of the Philippines (LBP) San Pedo Davao branch manager Eunice Sumatra.

Ayon kay Alih, ang bank accounts ay nagkaroon ng mahigit ₱59 million na balance sa pagtatapos ng 2022, higit ₱71 million noong 2023, habang lampas sa ₱22 million sa end of 2024 at ₱35 million sa end of 2025.

Target ng prosekusyon na maisalang ang kinatawan ng iba’t-ibang banking institution para matukoy ang buong detalye ng Duterte-Carpio couple at ikumpara sa idineklarang SALN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *