HINDI dapat sayangin ng mga opisyal ng barangay ang term extension, ayon kay House Speaker Faustino Dy III. Sa isang kalatas, hinikayat ni Dy ang mga barangay officials na gamitin ang karagdagang dalawang taon para pagbutihin ang pamamahala, protektahan ang nasasakupang komunidad at tumugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan. “Okay na po ang inyong fixed term na ipaliban ng 2028 na ng November ang inyong eleksyon,” bungad ni Dy sa 5th LegisHear consultation, na ginanap sa Victorias City, Negros Occidental “Sapagkat napakarami na dapat pa nating harapin para lalo po inyong mapangalagaan ang ating barangay, lalo-lalo na para maging safe ang ating barangay,” dagdag ng lider kongresista. Aniya, may mahalagang papel na ginagampanan ang barangay officials sa pagdaraos ng LegisHear dahil sila mismo ang nasa komunidad at may “firsthand knowledge” sa mga kinakaharap na problemang maaaring iparating sa national legislation. Ayon sa House Speaker, layunin ng LegisHear na mailapit sa mga komunidad ang Kamara at mga mambabatas sa mamamayan sa paraan ng direktang ugnayan sa mga local officials at sa nasasakupan. “Gusto namin ilapit po sa inyo ang Kongreso para malaman po namin kung ano ang mga tunay na dapat natin mapag-usapan para lalo pa po natin mapaganda ang lahat ng mga isinusulong na panukalang batas sa 20th Congress.” Para sa barangay officials, sinabi ni Speaker Dy na ang konsultasyon ay pagkakataon ipabatid ang “community-level concerns” direkta sa Kongreso. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Solon kay Sara: Goodluck, the end is near Gatchalian nalula sa P2.7-B transactions ni Duterte