ISA pang miyembro ng minorya ang lumundag sa bakod ng mga senador na kaalyado ng Palasyo. Sa isang pahayag, kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang paglipat sa mayorya ni Senador Mark Villar. Bago mpa man ang inilabas na kumpirmasyon, una nang inihalal ng mkayoprya si Villar bilang miyembro ng Commission on Appointments, at bilang chairman ng Senate Committee on Public Works. “Yes, we just elected him to the CA and Public Works committee as part of the Majority,” tugon ni Zubiri nang hingan ng reaksyon sa usap-usapang paglundag ni Villar. Sa pinakahuling bilang, umabot na sa 14 na senador ang nasa bakuran ng mayorya — sapat na bilang para sa hatulang “guilty” si Vice President Sara Duterte. Samantala, nananatili naman sa minorya ang kanyang nakababatang kapatid na si Senador Camille Villar. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Warrant of arrest kasado kontra Rep. Leviste Halaga ng piso, lagapak na naman sa record-low