PARA sa panig ng prosekusyon, isang malinaw na indikasyon ng pag-amin sa alegasyon ang diskarte ng mga bayarang abogado ni Vice President Sara Duterte. Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni former Surigao del Norte Rep. Ace Barbers ang 24-pahinang tugon ng depensa sa “formal offer of evidence” na inihain ng prosekusyon sa senate impeachment court. Ayon kay Barbers na tumatayong adviser at tagapagsalita ng House prosecution panel, hindi na bago ang diskarte ng mga tagapagtanggol ni Duterte. “We already expected even during the presentation of evidence by the prosecution, puro sila objection. Lahat ng gusto naming ipakita na ebidensya, lahat yan ay inobject nila,” wika ni Barbers. “Kahit nga mismo dito sa ating formal offer of evidence when they were asked to give their comments, I am sure hindi rin sila papayag na magamit ang mga ebidensyang inilatag ng prosecution dahil nga ito ay mabibigat na ebidensya. And naturally, they will all object. Their immediate reaction is to object to these documents that were presented as evidence,” paliwanag ng dating kongresista. Sa isinumiteng 24-page comment ng defense team hinggil sa documentary evidence na inihain ng prosekusyon, iginiit ng mga abogado ni Duterte na pawang “inadmissible, irrelevant, and insufficient” ang mga documentary evidence para patunayan nagkasala ang bise presidente. “These exhibits were not attached to the Impeachment Complaints that the respondent was made to answer. Neither do they form part of the Articles of Impeachment,” ang hirit pa ng legal counsel ni Duterte. Nanindigan naman si Barbers na mahihirapan ang depensa salungatin ang mga documentary evidence na pawang official records mula sa mga bangko at iba’t-ibang government agencies, kabilang na ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Securities and Exchange Commission (SEC), at Anti-Money Laundering Council (AMLC). “If there is something that they can use to rebut or dispute this evidence, eh maaaring dokumento rin ito. Ngunit, ang tanong nga natin, ang mga dokumento ba, halimbawa, na mula sa bangko, meron bang lulutang na witness na taga-bangko at the same bank, na magsasabing mali yung outstanding balance na yan? Na nagkamali yung computer namin, nagkaroon ng glitch, etc. I don’t think it will happen,” ani Barbers. Hindi rin umano gawa-gawa ang mga impormasyon mula sa mismong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na pinanumpaan at isinumite ng bise presidente. “Pasisinungalingan niya (Duterte) ang mga nakasulat diyan? Ito’y sinumpaan niya na katotohanan at pawang katotohanan lamang ang kanyang idineklara diyan,” sabi pa ni Barbers. Samantala, hinimok naman ni Barbers ang publiko na tanggapin ang anumang magiging hatol sa bise presidente. “Ika nga eh kung matatapos natin ito bago matapos itong taon na ito, aba eh well and good so that we can move forward,” aniya pa. “Itong impeachment kung magbobotohan bukas, may conviction or may acquittal, we should all welcome that nang sa ganon maka focus naman tayo sa ibang mas mahalaga at mas importanteng bagay para sa ating bayan.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagtaas sa buwis ng mga softdrinks, itutulak ng DOF