ARESTADO sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 36-anyos na babae matapos i-hostage ang sarili dahil sa umano’y pagkakautang na hindi nababayaran.

Batay sa ulat na natanggap ni QCPD director Brig. Gen Christopher Olazo, humingi ng tulong sa mga security personnel ang 27-anyos na pamangkin ng suspek matapos magkulong tiyahin sa loob ng inuupahang condominium unit sa Barangay Balingasa, dakong alas-5:45 ng hapon.

Kwento ng pamangkin, pilit umanong pinababayaran ng suspek ang P150,000 na sinasabing pagkakautang ng mga magulang ng pamangkin.

Agad nagresponde ang mga operatiba ng La Loma Police Station (PS 1) sa pamumuno ni Lt. Col Jose Luis Aguirre. Pagdating ng mga pulis sa nasabing lugar, nagbanta umano ang suspek na sasaktan ang kanyang sarili kung hindi ibibigay ang kanyang hinihingi. 

Sa pamamagitan ng mahinahong pakikipag-usap at maayos na koordinasyon, matagumpay na napakalma ang sitwasyon at naisailalim sa kustodiya ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandals) at Article 327 (Malicious Mischief) ng Revised Penal Code, na isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *