
MAHIGIT sa 100,000 pasahero ang inaasahang bibiyahe araw-araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) daily sa inaasahang long weekend para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BKSE) at paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ininspeksiyon na ni Transportation Secretary Jaime Bautista at mga opisyal ang pagdagsa ng mga biyahero simula Oktubre 27.
“Kailangan natin dito ay magdagdag lang siguro ng personnel ang Office for Transportation Security. Ganun ang ginagawa natin ngayon lalo na yung panahon na ‘to,” sabi ni Bautista.
Inayos na rin ang mga conveyor belts at air-conditioning system sa NAIA.
“Within three months naging 90% na ang health ng ating mga baggage conveyor system,” ayon naman kay Manila International Airport Authority Officer-in-charge General Manager Bryan Co.
“When we say travel experience ng pasahero hindi lang naman visual, it’s also other senses, sensory. Kanina sa terminal 1 sa departures, Christmas scent,” dagdag pa ni Co.
Tinataya naman ng Transportation Department an gmay isang milyong pasahero na gagamit ng pampublikong transportasyon tulad ng bus, eroplano at barko sa pagpunta sa probinsiya dahil sa mahabang bakasyon.
Pinaalalahanan nama ni Bautista ang mga commuters na pumunta ng maaga sa terminal at pier upang matiyak ang kaligtasan sa pagbiyahe.
Sinabi naman ni Co na kailangang mas maaga ng dalawang oras ang mga bibiyahe sa airport habang tatlong oras sa outbound na biyahero.