PARA kay Senador Bong Go, panahon na para pagtibayin ang ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon at mga benepisyo para sa mga manggagawa sa media at entertainment.
“I always commit myself to advancing and supporting measures that will protect our workers’ rights and welfare,” wika ni Go sa isang pahayag.
Bilang miyembro ng Senate Committee on Labor, binigyang-diin ni Go ang ambag ng mga manggagawa sa media at entertainment.
“They provide news, entertainment, and other essential contents we need to keep us posted from all the current events happening around us.”
Kinilala ng senador ang mga sakripisyo ng mga mamahayag sa pagsisiwalat ng katiwalian at pagpapalaganap ng impormasyon, partikular noong panahon ng pandemya.
“Behind the reports and amusing contents, our media and entertainment workers trudge the day and night just to provide Filipino people with timely information and coverage,” aniya pa.
“They were the heroes during the pandemic, risking their lives to deliver news during typhoons, earthquakes, floods, or any other disasters,” dagdag ni Go.
Sa ilalim ng Senate Bill 1183 (Media and Entertainment Workers’ Welfare Act)
na inakda ni Go, target bigyan ng proteksyon, seguridad at mga insentibo ang mga manggagawa sa media sa pamamagitan ng karagdagang health insurance package, overtime at night differential pay, at iba pang benepisyo.