SA hangaring tiyakin ang maayos at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), binawi ng Philippine National Police (PNP) ang 679 personnel ng Police Security Protection Group (PSPG) na nakatalaga bilang bodyguard ng mga opisyales ng gobyerno at mga pribadong indibidwal.
Sa naturang bilang, 495 PSP ang nagbibigay ng seguridad sa 285 opisyal ng gobyerno habang 425 PSP ang tumatayong bodyguard ng 309 pribadong indibidwal.
Ayon kay PNP Acting Director for Operations, Brig. Gen. Leo Francisco, layon ng recall order sa mga police security na maiwasan ang anumang impluwensiya o harrasment sa panahon ng BSKE — alinsunod na rin sa Commission on Elections (Comelec) Resolution 10918.
Gayunpaman, pwede pa rin naman ibalik ang mga ni-recall na bodyguards.
Ayon kay PSPG Acting Director Col. Rogelio Simon, kailangang kumuha ng Certificate of Authority for Security Detail mula sa Comelec ang mga natanggalan ng security detail.
