Ni Estong Reyes
DIREKTANG kinalampag ng isang mambabatas si Housing and Urban Development Secretary Jose Acuzar hinggil sa pagbibigay ng sapat na benepisyo sa lahat ng constructions workers na lumalahok sa pagtatayo ng housing project ng pamahalaan.
Sa kanyang interpelasyon sa ginanap na plenary debate sa badyet ng Department of Human Settlement and Urban Development, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat matiyak ng ahensiya na nabibigay ng benepisyo ang lahat ng manggagawa sa constructions sa gobyerno tulad ng Social Security System, PhilHealth, at Pag-ibig membership.
“They build our houses pero sila mismo walang sariling bahay,” ayon kay Cayetano sa plenary debate ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa 2024 budget nito noong November 14, 2023.
“What I am lobbying for is [similar to the US standard where] they get 3% of the project cost to monitor. Ang sabi ko sa Department of Public Works and Highways, baka naman ang simpleng puwede nilang i-monitor ay y’ung pagkuha ng contractor nila ng Pag-ibig, SSS, PhilHealth, et cetera for the construction workers,” wika ng senador kay Acuzar. .
“For housing, if you can find in your heart an administrative way of ensuring this, we will make the workers’ lives a little better,” dagdag niya.
Sinabi ni Senator Risa Hontiveros, ang isponsor ng DHSUD budget sa Senado, na malugod na tinatanggap ng departamento ang mungkahi ni Cayetano.
Nangako naman si Acuzar na gagawing requirement ito ng kagawaran sa kanilang development contracts.
Ayon kay Cayetano, dapat pangalagaan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga manggagawa ng konstruksyon tulad ng pangangalaga nito sa mga magsasaka.
“My point is making the conditions better for them will actually be a two-in-one. We will have happy workers and better houses because the status of workers is better,” aniya.
“And later once they have saved enough, sooner or later they can build their own houses,” dagdag pa niya.