
Ni Estong Reyes
WALANG sapat na suplay ng bigas sa buong bansa kaya’t nanganganib na umangkat ng mas maraming butil sa mga susunod na panahon hanggang matapos ang taniman ng palay, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel.
Sa kanyang inteperlasyon sa badyet ng National Food Authority (NFA), inamin ng ahensiya na walang sapat na rice buffer stock alinsunod sa itinakda ng batas.
Food Authority (NFA) over the country’s insufficient rice buffer stock.
“I heard wala tayong buffer stock, isn’t that the function of the NFA?” ayon kay Pimentel sa deliberasyon ng badyet ng Department of Agriculture.
Inamin ng NFA na hindi nito nasusunod ang 9-day rice buffer stock na nakatakda sa batas at hindi binanggit kung gaano kadami ang imbak na butil.
Inaatasan n batas ang NFA na bukod sa pagmementeni ng sapat na rice buffer stock na bibilihin sa lokal na magsasaka, kailangan pamahalaan ng ahensiya ang sapat na imbak na butil sa susunod na sampung taon.
Bilang tugon, sinabi ni Roderick Bioco ng NFA na masyadong mataas ang halaga ng palay sa kapag taniman.
Ipinaliwanag pa niya na itinaas ng ahensiya ang minimum guarantee price mula sa ₱19 tungo sa ₱23, pero “there was a downward pressure from a very high price” sanhi ng price ceiling sa bigas.
“Before the start of the season it was ₱30, then it went down below ₱21. That concerned our president,” aniya.
“We approved as a council the ₱23 floor price for the farmers,” aniya.
Kahit ganito ang pagkilos ng NFA, dismayado pa din si Pimentel sa kabiguan ng ahensiya na tiyakin ang kailangan na 9-day buffer stock.
“You must in good faith and through best efforts comply with that mandate,” ayon kay Pimentel. “Come closer to the quantity mandated by law.”
Ikinatuwiran naman ni Sen. Cynthia Villar—nag-isponso sa DA budget—na nabigyan ng NFA ₱9 billion kada taon upang matiyak na may sapat na suplay ng bigas para sa kalamidad.
Pero, umabot lamang sa P500 milyon ng naturang badyet ang nagamit ng ahensiya, ayon kay Villar.