
BILANG pagkilala at respeto sa tradisyon ng mga Muslim community, idineklarang regular holiday sa buong bansa ng Palasyo ang ang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice sa Hunyo 28.
Sa Proclamation No. 258 na nilagdaan para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inilarawan ng Pangulo ang Eid’l Adha bilang isa sa “greatest feast” ng mga Islam.
Nakasaad sa Republic Act No. 9849 na ang araw ng pagdiriwang ng Eid’l Adha ay maaaring ilipat.
Base sa 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos ang Hunyo 28, Miyerkules na isang national holiday.