SINABON ng walang banlawan ni Senador Imee Marcos si Defense Secretary Carlito Galvez kaugnay ng napipintong pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperation (EDCA) site sa hilagang Luzon – sa halip na sa kanlurang bahagi ng bansa na okupado ng China.
Partikular na pinuntirya ni Marcos na tumatayong chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, ang EDCA site malapit sa Taiwan Strait.
“Are we talking about the escalating tensions in the Taiwan Strait as the number one issue?” ani Marcos.
Ayon sa senador, lubhang mapangahas ang pagkakaroon ng EDCA site sa nasabing lugar na inilarawan pa niyang isa sa mga pangunahing target ng China sakaling sumiklab ang gulo laban sa Taiwan.
“It clearly indicates that this is the first line in the Taiwan attacks that are projected. Is that correct?” I just need to understand why you are choosing all these sites in Northern Luzon when in fact if it were West Philippine Sea deterrence that’s uppermost in our minds, the protection of our territorial sovereignty, surely it should be in the western sector not purely in the northern,” patutsada ni Marcos.
Tugon naman ni Galvez, nasa proseso pa lang ng negosasyon ang mga nakatalang lugar na planong pagtatayuan ng EDCA sites, kabilang ang dalawa sa Cagayan, isa sa Isabela at isa sa Zambales.
“We might change the locations depending on the agreement that we are having in the security sector,” sagot ni Galvez.
Nang tanungin kung saan ang eksaktong lugar sa Norte na tinutulak bilang EDCA site, ang tanging tugon ng DND chief – “it is still unidentified location.”
Paliwanag pa ng Kalihim, bilang pa lang ng EDCA sites ang napagkasunduan. Meron din aniyang mga panuntunan dapat sundin sa pagpili ng lugar na pagtatayuan ng EDCA site na magsisilbing depensa ng bansa laban sa nakaambang pananakop ng China.
Para sa senadora, maling taktika ang pagkakaroon ng EDCA site malapit sa Taiwan. Ang dahilan ni Marcos – walang alitan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
“Gentlemen, what is our fight with Taiwan? What is our fight with Taiwan? I don’t understand. So why are we doing all the military exercises in Northern Luzon– a stone’s throw or at least a boat ride away from Taiwan,” diin pa ng senadorang kapatid ng Pangulo..
“Then clearly, the new expanded EDCA is addressing the escalation of tensions in the Taiwan Straits, not Philippine interest in the West Philippine Sea. We are therefore going to fight for another country, the United States? Is that correct, sir?”