HINDI na nagawang bumalik ng isang helicopter ambulance matapos lumipad para sunduin ng isang pasyente mula sa Mangsee Island sa gawing timog-kanluran ng Balabac para dalhin sa pagamutan sa Brooke’s Point sa Palawan.
Ayon sa Civil Aeronautics Authority (CAAP) of the Philippines, Miyerkules ng umaga ng natanggap ng naturang ahensya ang ulat hinggil sa nawawalang chopper ambulance na may lulang piloto, nurse, pasyente at dalawang iba pa.
Patuloy naman ang isinasagawang search operation sa helicopter (registry number N45VX) na pag-aari ng Philippine Adventist Medical Aviation Services na nakabase sa Brooke’s Point.
Sa rekord ng CAAP, dakong alas 7:30 ng umaga noong Miyerkules sa Brooke’s Point ang medical chopper. Hindi na anila nakabalik ang chopper ambulance na inaasahang lalapag pagamutan sa Brooke’s point dakong alas 10:30 ng nasabing araw din.
