SA gitna ng usap-usapan hinggil sa umano’y napipintong pagbalasa ng Palasyo sa mga kawanihan, ipinagkibit-balikat lang ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang ang ulat na papalitan na siya sa pwesto.
Una nang kumalat sa social media ang mga post hinggil sa umano’y nalalapit na pagbaba sa pwesto ni Catapang.
Kumbinsido naman si Catapang na sadyang ikinakalat ng mga naghahangad sa kanyang pwesto ang maling impormasyon sa hangarin idiskaril ang mga reporma sa kawanihan.
Diin ng BuCor chief, may malaking hamon na kaakibat ng mga posisyon ng awtoridad, lalo na sa loob ng mga pampublikong institusyon.
Pag-amin ni Catapang, lubhang nakakaalarma at nakakaapekto sa integridad ng ahensya ang pagkalat ng fake news. Ayon kay Catapang, bumababa at tiwala ng madla dahil sa maling balita.
Panawagan ng opisyal sa publiko, maging mapagmatyag at mapanuri sa mga kumakalat na impormasyon. (JULIET PACOT)
