MATAPOS ang kabi-kabilang biyahe ng Pangulo, wala pa rin maramdamang resulta ang sambayanang Pilipino.
Ito ang sentimyento ni ni Senador Raffy Tulfo kasabay ng patutsada sa aniya’y masyadong matagal na katuparan ng ibinidang multi-billion dollar investment pledges ng mga lider at negosyante sa mga bansang dinayo ng Pangulong Ferdinan Marcos Jr.
Para kay Tulfo, higit na angkop ipaliwanag ni Marcos sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang kalagayan ng naturang foreign investment pledges.
“Although nag-commit na sila (foreign firms) – magandang pakinggan – pero kailan natin mahahawakan yun, matitikman, kailan natin makikita na nandito na yung perang iyon, na na invest na at producing many jobs?” tanong ni Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na isa sa accomplishment ng administrasyon sa ngayon ay pagkuha ng dayuhang investment pledges sa kanyang foreign trips.
“He’s doing an excellent job, kung iko-consider natin na meron naman siyang mga minana na mga problema from the previous administration,” ayon kay Tulfo.
“Unlike his predecessor na sinisisi yung pinagmanahan niya ng problema, ang gusto ko kay BBM hindi siya naninisi. He continues doing what he thinks is good, his best,” dagdag niya.
Nakatakdang magahtid ng kanyang ikawalang SONA si Marcos sa Hulyo 24.