
INIHAYAG ni Senador Christopher “Bong” Go, vice chairperson ng Senate National Defense Committee, na kailangang protektahan ang soberenya at integridad ng bansa sa harap ng pagtatanggal ng floating barrier na inilagay ng China sa Scarborough shoal.
“My previous position d’yan, kung ano po ang atin ay atin. What is ours is ours. Ipaglaban po natin kung ano po ang atin,” sabi ni Go.
Sa nakalipas na taon, ang Scarborough Shoal na 200 kilometro lamang ang layo sa Pilipinas ay pinag-aagawan na ngayon at sa hitik na yamang dagat.
Itinuturing din itong political subdivision ng Zambales province.
Kamakailan ay tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang special operation ang floating barrier na hadlang sa mga Pinoy na mangingisda roon.
“Trabaho po ‘yun ng ating mga nasa gobyerno, sa Executive Department, DFA, PCG. I’m sure alam nila ang kanilang ginagawa,” sabi ni Go said kasabay ng pagpuri sa ginawa ng gobyerno.
“Na-clear na ba? Dapat lang. Kung ano nga po ang atin ay atin ‘yun, ‘wag nating hayaang nakaharang d’yan ang mga barriers. Kung agrabyado naman tayo, kung ano nga po ang atin, ipaglaban po natin. What is ours is ours,” bigay-diin pa ng senador.
Binatikos din ni Go ang serye ng harassment ng China sa Ayungin Shoal.
“Dapat po ay respetuhin ang ating karapatan. Kung ano ang karapatan natin na mag-resupply tayo, atin po ‘yon, karapatan po natin ‘yun. Ipaglaban po natin ang ating karapatan,” sabi pa ni Go.