
Ni Peter J. G. Tabingo
WALANG matatanggap na backpay ang dating senior official ng National Library of the Philippines (NLP) na sinibak sa pagkawala ng daan-daang ‘historical documents” sa kanyang kustodiya.
Ito ay sa kabila ng pagtugon sa kanyang apela.
Sa apat na pahinang desisyon na inilabas, tinanggihan ng Commission on Audit ang petisyon para makakuha ng benepisyo si dating Librarian V Maria Luisa Castillo Moral sa NLP na umaabot sa P9.13 milyon na dapat sana ay naibigay sa pagitan ng Oktubre 1996 hanggang Pebrero 2012.
Nabatid sa COA Commission Proper na sa desisyon noong 1996, napatunayan ng dating Department of Education, Culture and Sports (DECS, ngayon ay DepEd) na guilty si Moral sa multiple administrative offenses sa dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ito ay dahil sa pagkawala ng historical documents sa National Library.
Sinibak ito sa serbisyo at hindi na pinahintulutang pumasok saan mang sangay ng gobyerno.
Tinanggalan din siya ng retirement benefits.
Hindi naman umapela si Moral sa Civil Service Commission.
Matapos umapela at pinaboran sa COA, hindi na siya kakasuhan pa at inabsuwelto sa kinaharap na kaso.
Noong 2019, hiniling ni Moral sa NLP na bayaran sya ng backwages at benepisyo sa COA.
Tinanggihan na ito dahil sinabi ng Solicitor General na walang basehan dahil hindi kasama sa pagpapawalang sala sa kanya ang pagkuha ng backwages o benepisyo sa kanya noong paglilingkod.
“Back wages may only be given when an employee has been reinstated to service. In short, her removal from service is justified and is not deemed illegal. Thus, she is not entitled to back wages nor is she worthy of receiving benefits and remuneration because she was separated from government service because of the finding of guilt for the administrative charges filed against her,” ayon pa sa COA.