HANGGAT wala pang hatol na inilalabas ang husgado, pwede pang dumalo sa Senador Jinggoy Estrada.
Ito buod ng petisyon na inihain sa Korte Suprema ng mga abogado ni Senador Jinggoy Estrada na kasalukuyang nakapiit sa Quezon City Jail bunsod ng kasong plunder.
Batay sa isinumiteng “petition for certiorari,” hiniling ni Estrada baliktarin ang pagbasura ng Sandiganbayan sa hirit na makadalo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Giit ng Flaminiano Arroyo & Dueñas law firm, nagkaroon ng “grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction” ang Sandiganbayan Fifth Division nang tanggihan ang mosyon ng senador noong Hulyo 9, 2026.
Bagamat nakakulong anila si Estrada, hindi pa rin naman anila pwedeng ipagkait sa isang “incumbent senator” ang karapatan gampanan ang mandato bilang mambabatas — at senator-judge na paglilitis sa pangalawang pangulo.
Paglilinaw ng mga abogado ni Estrada, hindi hangad ng nakakulong na senador humirit ng piyansa para makalaya.
