NI ESTONG REYES
KAWALAN ng koordinasyon sa hanay ng mga law enforcement agencies ang nakikitang balakid ni Senador Risa Hontiveros sa epektibong implementasyon ng Executive Order 74 na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Partikular na tinukoy ni Hontiveros ang pagsalakay na ikinasa ng magkakaibang ahensya laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Aniya, nabalot ng kontrobersiya ang pagsalakay ng mga awtoridad sa mga pinaniniwalaang illegal POGO hubs sa Ermita, Maynila at maging sa bayan ng Bagac sa lalawigan ng Bataan kamakailan.
Dahil sa kanya-kanyang motibo sa operasyon kontra illegal POGO, nabahiran ng integridad ang mga pagsalakay sa pasilidad na di umano’y pasimuno sa iba’t ibang modus ng panggagantso.
Una nang nagpasaring ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Philippine National Police (PNP) na di umano’y wala man lang pasintabi o koordinasyon sa ginawang pagsalakay kamakailan sa Century Peak Tower sa Ermita.
Naging target naman ng kabi-kabilang batikos ang PAOCC matapos mahulicam ang pananakit ni former PAOCC spokesperson Winston Casio sa isang Pinoy POGO worker na kabilang sa mga inaresto sa raid na ikinasa sa Bataan.
