
NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Department of Health (DOH) bunsod ng di umano’y nakaambang pagtaas sa bilang ng mga kumpirmadong kaso ng dengue sa iba’t ibang panig ng bansa.
Paliwanag ni Health Secretary Ted Herbosa, hindi malayong magkaroon ng dengue outbreak — kung pagbabasehan ang aniya’y dengue spike cycle na nangyayari kada tatlo hanggang limang taon.
Partikular na tinukoy ni Herbosa ang pagsulpot ng tinawag niyang “serotype virus.”
“Ang huling outbreak natin ay noong 2019. Pumasok ang COVID, at mula noon, hindi pa tayo nagkaroon ng dengue outbreak. Kaya naman, nakatakda na tayo. 2025 na, kaya inaasahan nating tataas ang kaso ng dengue ngayong taon,” wika ng Kalihim. Herbosa.
Panawagan ng kagawaran sa publiko, maging mapanuri, maingat at maagap sa pagpapasuri sa mga eksperto sa larangan ng medisina sakaling makaranas ng mga sintomas ng dengue.