WALANG pwedeng umawat sa paghahain ng kaso laban sa apat na senior police officials – kabilang ang dalawang heneral – na di umano’y kaladkad sa kalakalan ng droga.
Sa isang pulong-balitaan, tahasang nanindigan si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na itutuloy ng National Police Commission (Napolcom) ang pinagtibay na resolusyon ng komisyonado – tanggapin man o hindi ni Pangulong Ferdinand Marcos ang courtesy resignation ng hindi tinukoy na mga opisyal ng PNP.
“We are doing this so that the cases will continue even if their courtesy resignations are accepted,” ani Abalos.
Bukod sa kasong administratibo, isusulong rin aniya ng kagawaran sa Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Agencies (MOLEO) ang paghahain ng asuntong kriminal laban sa mga senior police officers, batay sa rekomendasyon ng five-member panel na inatasan mag-imbestiga sa mga heneral at koronel na pinaniniwalaang kaladkad sa ilegal na kalakalan.
“The advisory group recommended the following: No. 1, non-acceptance of the resignation of 917 officers. No. 2, further investigation of 33 other officers. No. 3, acceptance of the courtesy resignation, and filing of administrative and/or criminal cases against four; specifically, two generals and two colonels,” wika pa ni Abalos.
“We’ve heard in the media, parang tinanggap niya. What we will do, is we will wait for the actual letter,” aniya pa.