
SA hangaring hindi matulad kay Negros Oriental Roel Degamo at iba pang mga politikong pinaslang, balik-shooting range ang ilang miyembro ng senado bilang paghahanda sa posibilidad ng pananambang.
Pag-amin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, anim hanggang walong senador ang nagsimula na rin magsanay sa paghawak ng baril sa hangaring depensahan ang sarili sa anumang pagtatangka – kung meron man.
Kabilang rin aniya sa kanilang kinokonsidera ang pagrerebisa ng mga ‘security arrangements,’ na inilatag ni Sen. Ronaldo dela Rosa na minsang nanungkulan bilang Philippine National Police chief.
“He’s (dela Rosa) been saying yung conducting of evaluation. Kung paano yung, ayoko nang sabihin yung detalye for security reasons. The good thing about this is we are all up for the job, we are also up to do our part in ensuring that we reject that so-called fear that these rascals are trying to inject in the hearts and minds of our kababayan,” sambit ni Villanueva.
Maliban kay dela Rosa, hindi pinangalanan ni Villanueva ang iba pang mambabatas na nagsasanay humawak at gumamit ng baril. Ang tanging pahiwatig ng senador – mga re-electionist sa 2025 midterm election.
“In my case, wala po akong kina-cancel na schedules. But definitely, yung tightening of security, right now, it’s all our concern,” sambit ni Villanueva sa isang panayam.
“It’s imperative for leaders like us to double check our security. Syempre, concern yon. Bata pa yung anak ko eh. Hindi lang dapat tayo, as a whole as a nation we have to look at it as a big concern. We laud the efforts of the PNP. Natutuwa tayo dahil mabilis at agaran kilos nila. But I think we can do more. Let’s show these rascals they don’t belong in this society.”
Sa panig ni dela Rosa, hinamon niya ang PNP na tugisin at lansagin ang mga private armies sa buong bansa.
“The PNP should strike hard on these private armies, guns for hire, and organized crime groups who are becoming bold and daring day by day. They should instill fear into the hearts and minds of these criminals.”