HINDI pa man nagtatagal sa pwesto, usap-usapan na sa Senado ang planong pagpapatalsik kay Senate President Alan Peter Cayetano bunsod ng pag-eskiyerda ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nasa ilalim ng senate protective custody. Pag-amin ni Cayetano, nakikipag-ugnayan na ang mga minority senators sa mga miyembro ng bagong mayorya para suportahan umano ang pagpapalit ng liderato sa senado. “Medyo busy sila [Senate minority group] ngayon, tina-try kausapin yung mga miyembro namin na sumama ulit sa kanila,” wika ni Cayetano sa isang ambush interview. Nang tanungin kung ang pag-uusap ay may kinalaman sa isang na namang kudeta sa liderato ng Senado, sinabi ni Cayetano, “Expect that. I mean magulat tayo kung wala, di ba?”. “Sila ang nagyaya makipag-usap. Pero, yun nga, yung… kaya kami hindi nakipag-usap last week kasi minsan may kasamang pananakot,” paliwanag ng lider-mambabatas. Kumbinsido naman si Cayetano na nagkakaisa pa rin ang 13 miyembro ng majority bloc Senado. Araw ng Lunes nang patalsikin sa pwesto bilang Senate President si Vicente Sotto III. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Rotational brownout nakaamba sa Luzon Impeachment court kasado na sa Mayo 18 – Cayetano