MATAPOS ang eskandalong dala ng maanomalyang kontrata para sa bagong logo ng isang ahensya gobyerno, imunungkahi sa Senado ang pagbalangkas ng panuntunan para iwas-bulilyaso.
Sa paghahain ng Senate Bill 2384, target ni Senador Nancy Binay na amyendahan ang Republic Act 8491 sa,layuning palakasin ang alituntunin sa paglikha, modipikasyon at pagpaparehisro ng official seals at iba pang heraldic items at kagamitan sa lahat ng government entities — kabilang ang militar at pulisya.
“Hindi po basta basta ang rebranding at ang pagbabago ng logo. We need to ensure that official seals and logos convey national ideals and traditions that express the principles of sovereignty and national solidarity,” ayon kay Binay.
Pinuna ni Binay ang lantarang pangyayari na nagkakaroon ng malawakang pagbabago sa selyo at logo ng halos lahat ng ahensiya ng gobyerno partikular sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Gaming Corp. (PAGCOR).
Hindi din nakalusot sa mapanuring mata ng senadora ang Department of Tourism (DOT) na gumastos di umano ng daang milyong pondo para sa disenyo at video ng bagong slogan na naglalayong isulong ang turismo.
“Nitong mga nakaraang araw, parang sunod sunod ang rebranding o pagpapalit ng logo ng mga ahensya ng pamahalaan. While I am sure na may ginawa naman silang mga pag-aaral ukol dito, maganda din sigurong maging permanenteng bahagi ang NHCP sa proseso ng redesign para masigurong akma at nasa ayos ang logo ng ahensya ng pamahalaan,” ayon kay Binay.
“Under the proposed bill, any government entity, including the military, may adopt appropriate coat-of-arms, administrative seals, logo, insignia, badges, patches, banners and initiate awards, citations, orders or decorations, as may be authorized by the Congress or the Office of the President, subject to the approval and recommendation of the National Historical Commission of the Philippines (NHCP),” ayon sa panukala.
Ayon pa kay Binay, nakatakda din sa panukala ang probisyon na kailangan linawin at aprubahan ng NHCP ang pagbabago sa disenyo ng pera saka pagtitibayin ng Kongreso bago ipakalat sa sirkulasyon.
“Tinanggal na natin ang mga bayani sa ating pera. Parang sinasabi nating ‘our martyrs and heroes are no longer worth our money’. ‘Yung design ng pera hindi dapat BSP o Malacanang lang ang magde-decide. ‘Yung magpalit nga ng name ng school at kalsada kailangan may congressional imprimatur at NHCP approval dahil meron ‘yan relevance at implications sa culture at history, and there’s a higher purpose than just having the names changed. Ganyan din sa ating legal tender—there’s a higher purpose to what image or content should be printed on notes and coins,” giit ng mambabatas.
Sa ilalim ng panukala, dinagdagan ang mandato ng NHCP.
“That the NHCP is responsible for the conservation and preservation of the country’s historical legacies that even natural features such as islands, rivers, seas, oceans, mountains, plains are not supposed to be changed or renamed by a mere local ordinance or resolution, unless these are being reverted to their old indigenous names.”
“In a practical sense, official seals and logos are an important means of identifying a particular government agency and of recognizing the duties they perform,” ani Binay.
“They are a means of strengthening people’s nationalism, love of country, and pride for people’s accomplishments,” ayon kay Binay.