SA kabila ng malaking pondo para sa mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong nakalipas na taon, nanatiling problema ang pagbaha sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Katunayan pa, ayon kay Sen. Bong Revilla, tumataginting ng P125 bilyon ang naubos ng DPWH at MMDA — pero ang perwisyong baha, nanatiling sakit ng ulo.
Giit ni Revilla, pagtibayin ang Senate Resolution 52 na naglalayong imbestigahan ang DPWH at MMDA na siyang lead agencies sa likod ng daan-bilyong halaga ng walang epektong proyekto.
Target din aniya ng kanyang panukala ang lumikha ng komprehensibo pero hindi kamahalang solusyon sa perwusyong baha sa tuwing bubuhos ang ulan dala ng bagyo.
“Despite the flood control management master plan of the government and the annual budget allotted for the Department of Public Works and Highways and the Metro Manila Development Authority, flooding and its adverse effects continue to challenge many communities nationwide, especially during the rainy season,” ayon sa resolusyon.
“The DPWH and MMDA have a combined annual [allocation] of more than P125 billion for flood control management program in the 2022 General Annual Appropriations,” dagdag nito.
“Hindi na paliwanag ang kailangan ng taumbayan, ang kailangan natin ay aksyon, solusyon at hindi anesthesia para hindi maramdaman ng publiko ang hirap sa pagbaha dahil lamang sa hindi matukoy ang problema,” giit ni Revilla.
Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na umabot sa mahigit 1,600 pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang naganap sa pagdaan ng bagyong Egay at Falcon.