TILA naubusan na ng swerte ang kontrobersyal na gambling lord na pinaniniwalaang utak sa likod ng kaso ng “missing sabungero.”
Sa isang ambush interview, inamin ni National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag na bineberipika na ng kawahan ang pinagtataguan ng puganteng si Atong Ang.
Ayon kay Matibag maingat na sinusuri ng NBI ang mga natatanggap na impormasyon ukol sa lokasyon ni Ang na nahaharap sa santambak ng kasong murder, kidnapping, serious illegal detention at homicide.
Ilang buwan na ang lumipas nang pumutok ang balitang nasa ibang bansa na ang gaming tycoon —bagay na pinasinungalingan ng Bureau of Immigration base sa departure record sa mga paliparan.
Nasa mahigit 100 sabungero ang sinasabing pinadukot at pinapatay ni Ang dahil sa pandaraya sa kanya.
