TINUKURAN ng mga kongresista sa Kamara ang obserbasyon ng global experts na malaki ang magiging kontribusyon ng renewable energy upang matugunan ang patuloy na lumalaking demand sa suplay ng kuryente.
Bilang isang climate-vulnerable at archipelagic country, kumbinsido si Ako Bicol partylist Rep. Alfredo “Pido” Garbin Jr. na malaking bentahe ang pagpapalakas ng energy sector sa bansang may populasyong hindi bababa sa 115 milyon.
Kasabay nito, iginiit naman ni Bacolod lone district Rep. Albee Benitez ang masusing pagtutok sa pagpapagawa ng water facility at treatment plants sa iba’t-ibang panig ng bansa dahil hindi lamang, aniya, ito simpleng infrastructure projects bagkus ito’y daan upang matiyak ang sapat at murang suplay ng tubig.
Sa kanyang pagdalo sa tatlong araw na 16th International Renewable Energy Assembly na ginanap sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, sinabi ni Garbin na bilang mambabatas ay nakita niya ang pangangailangang bumalangkas ng batas para sa pagpapalakas ng energy sector sa pamamagitan ng renewable energy sources.
“The discussions were highly relevant to improving the services of local distribution utilities such as the Albay Electric Cooperative (ALECO). One of the key topics raised during the assembly was the possibility of allowing distribution utilities to engage in renewable energy generation and power-storage facilities, particularly battery systems that can be utilized during peak hours and nighttime when solar energy is unavailable,” pagbabahagi pa ng Ako Bicol solon.
“Tayo, bilang mga mambabatas, we want to learn the regulatory perspective on how laws, procurement, and market design can accelerate the energy transition, especially sa ating probinsya na isa sa mga pangunahing producer ng renewable energy, partikular ang geothermal,” dugtong niya.
Giit ni Garbin, ang anumang hakbang tungkol sa pagpapaunlad ng sektor ng enerhiya ay dapat naaayon sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law, kabilang na ang mungkahing payagan ang distribution utilities na mag-operate ng energy-storage facilities upang madagdagan ang power supply.
Tiniyak naman niya ang nakatuon ang atensyon ng Kongreso sa pagtitiyak na tama at abot-kaya sa consumers ang presyo ng kuryente, kasabay na rin sa pagsisigurong magiging stable ang power supply sa buong bahagi ng bansa.
Samantala, sa panig ni Benitez, umaasa siyang ang pagbubukas ng bagong water treatment plant sa Bacolod City ay magbibigay-daan sa sapat na suplay at magiging mura lamang ang singil sa pagkonsumo ng tubig sa mga mamamayan ng lungsod.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa launching ng Bacolod–Murcia Sum-Ag Water Treatment Plant & Caliban Water Facility, na makakatulong para mas mahusay ang water distribution sa lugar.
Subalit para kay Benitez, malinaw ang mensahe at pagsisikap ng Pangulo na maisakatuparan ang nasabing proyekto.
“At its core, this project is about securing our future, securing our water resources. Water security today is no longer just about infrastructure. It is about resilience in the face of climate change, population growth, and urban expansion. Planning capacity ahead of demand helps us avoid shortages and rising costs,” diin ng Visayan lawmaker.
Tinukoy naman ni Benitez ang malaking benepisyo ng proyekto ito, partikular ang unti-unti pagtigil sa paggamit ng deep wells bilang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig ng Bacolod City.
“Over-extraction stresses our groundwater, increases operating costs, and exposes us to shortages during peak demand. Instead, (we will) use them as strategic water reserves that would be activated only when needed to bridge temporary shortages without passing additional costs on to consumers,” ayon sa kongresista.
“In this way, we protect our groundwater, stabilize supply, and keep water affordable for our people. If we continue to plan well, build responsibly, and govern with discipline, what we launch today can become a model for other cities,” wakas na pahayag ni Benitez. (ROMER R. BUTUYAN)
