DALAWA sa 18 tinaguriang Maleta Boys ang nakatakdang humarap sa Sandiganbayan Third Division bilang testigo sa bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez. Una nang naghain ng petition for bail ang mga abogado ni Romualdez na nahaharap sa P7.4-billion plunder case kaugnay ng tinaguriang flood control scandal. Partikular na tinukoy ni Atty. Levito Baligod, na tumatayong abogado ng Maleta Boys, ang pagharap sa witness stand nina George Villalon Jr. at Johnny Buduan. Kabilang sina Villalon at Buduan sa mga dating bodyguard ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na umano’y kasamang naghatid ng mga “male-maletang pera” kay Romualdez. Samantala, muling nanindigan ang dating lider ng Kamara ang alegasyon ng mga dating sundalong nagsilbi sa ilalim ng Philippine Marine Corps. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Bonggang shopping at fine dining ni Sara binuking Tagong yaman ni Sara, 67% na mas malaki kaysa SALN