PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na naniniwalang mahirap sila sa ginawang survey ng OCTA Research group nitong huling tatlong buwan ng taon.
Inilabas ang resulta ng survey mula Hulyo 22 hanggang 26 kung saan 50 porsiyento ng respondent ang nagsabi na mahirap ang kanilang buhay.
Mataas ito ng 43 porsiyento sa ginawang katulad na survey noong Marso.
Kumakatawan din ito sa 13.4 pamilya kumpara sa 11.3 milyong pamilya sa unang quarter survey.
Nasa 41 porsiyento naman ang ‘self-rated poverty’ sa survey noong Oktubre 2022.
Sa pinakahuling survey, bumagsak naman sa siyam na porsiyento ang nagsabing hindi sila mahirap, mula 12 porsiyento noong Marso at 13 posiyento noong Oktubre 2022.
Bumaba naman sa 41 porsiyento mula 44 porsiyento ang naniniwalang hindi sila mahirap noong Marso at 46 porsiyento noong Oktubre ng nakaraang taon.
Nasa 60 porsiyento naman ang nagsabing katulad ng dati lang ang kalagayan ng bansa kung ang kahirapan ang pag-uusapan.
Umaabot lamang sa 21 porsiyento ang nagsabing umangat ang kanilang pamumuhay habang 17 porsiyento ang nagsabing lalo silang nalugmok sa hirap.
Ang survey ay ginawa sa 1,200 adult respondents.