PLANO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang P100-bilyong pondo ng pamahalaan para makabili ng kauna-unahang submarine ng Pilipinas, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
Gayunpaman, agad na inalmahan ni Sen. Chiz Escudero ang naturang hakbang sa kabila pa ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa West Philippine Sea.
Katwiran ni Escudero, higit na kailangan ng bansa ang mga fast crafts na may kakayahang tumugon kalamidad.
“I am for a stronger Navy. I am a great fan of our sailors. But the reality is we cannot realize our submarine dreams if what we have is a salbabida budget,” wika ni Escudero.
“Perhaps when our finances improve, then we can give the Navy the ships it deserves. Sabi nga, ‘a rising tide raises all ships,’” dagdag pa niya.
Kasabay ng pasinayang idinaos sa Naval Station Pacual Ledesma sa lalawigan ng Cavite, hayagang sinabi ni Zubiri na bukas ang Pangulo sa modernisasyon – “The President is warm to the idea, but of course the President has a lot on his hands.”
Pinasinayaan ni Zubi ang dalawang fast attack interdiction craft platform ng Philippine Navy – ang BRP Gener Tinangag at BRP Domingo Deluana.
Gayunpaman, nilinaw ni Zubiri na wala pang pinal sa nasabing usapin lalo pa aniya’t kakarampot ang pondo para sa modernisasyon ng bantay-dagat.
“But he’s warm to the idea, because when we mentioned it to him, he said, ’Yes, let’s continue further discussion’,” aniya.
Sa pagtataya ng Senate President, maglalaro sa P70 hanggang P100 bilyon ang halaga ng isang submarine – at meron na di umanong ilang nag-alok ng long-term loan agreement para maisakatuparan ang nasabing plano.
“Actually the budget is between 70 to 100 billion [pesos] but there are foreign governments offering us submarines under a long-term loan agreement embarking on 20 years.”
“Maliit lang po ang downpayment, at ang taon-taon I think ay manageable. I think about less than four billion pesos a year,” pahabol ng lider ng Senado.