WALANG halalang pambarangay na magaganap sa Disyembre ng kasalukuyang taon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Katunayan, nakatakda na niyang lagdaan ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Para kay Marcos, higit na matimbang tutukan muna ang kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na Oktubre.
“No, I’ll sign it. I’ll sign it. Because we are facing one of the biggest elements here—we just finished a major election, the midterm election, next will be BARMM. Now we’re adding the barangay elections as well. It’s too much—actually, it’s the Comelec saying, “We can’t handle it,” wika ni Marcos.
“There has never been a BARMM Parliament election by the people. So that is why it is important,” dugtong ng Pangulo.
Sa halip na Disyembre 1, nakatakdang idaos ang BSKE pagsapit ng unang Lunes ng Nobyembre sa susunod na taon.
Buwan ng Hunyo nang pagtibayin ng Senado at House ang bicameral conference committee report na nagtatakda sa apat na taong termino mula sa kasalukuyang tatlong taong limit sa barangay at SK officials.
