
SINABI ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na posibleng mabawasan ng P6 kada kilo ng bigas kung maisasakatuparan ang panukala ng Department of Finance (DOF) na tapyasan ng 35 porsiyento ang rice import tariff rate.
Ayon pa kay Salceda, ang pansamantalang pagbawas sa taripa ay mabuting solusyon sa kasalukuyang probllema sa mataas na presyo ng bigas.
Sinabi ni Salceda na maaaring ipatupad ng Pangulo ang pagbaba ng taripa habang walang sesyon sa Kongreso dahil tatlong lingo na lamang ang nalalabi bago ang isang buwan na bakasyon.
Hindi rin umano makokompromiso ng pagbaba ng taripa ang implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Program.
Iminungkahi rin ni Salceda na ang pagtapyas sa taripa ay dapat sabayan ng agresibong pagbili ng palay ng National Food Authority (NFA) upang matiyak na hindi maapektuhan ang mga magsasaka sa pagpasok ng imported na bigas.
Gayunman, ayon pa sa mambabatas, ang pangmatagalang solusyon pa rin ay ang pagtatanim ng palay na sasabay sa pagbabago ng klima.
“Actually, the PBBM administration has achieved a 3-percent growth in palay harvest for 2023. We are poised for a bumper crop year this year. We need to reduce our dependency on rice imports to protect us from rice trade volatility, ayon pa kay Salceda.