HIGIT na angkop paigtingin ng pamahalaan ang pagpapalaganap ng kaalaman sa programang amnestiya sa pagbabayad ng taunang amilyar sa pamahalaan.
Para kina Senador Pia Cayetano at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kapwa makikinabang ang pamahalaan at mga mamamayan sa Estate Tax Amnesty.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, partikular na tinalakay noong Martes ang umiiral na batas, at ang panukalang nagsusulong ng pagpapalawak ng programang amnestiya — paksang karaniwang pinag-uusapan sa public service television program na Cayetano in Action with Boy Abunda.
“This issue was brought to my attention as a lawyer, not so much as a lawmaker. They (show participants) ask us questions in our show where we often encounter the layers of generations that did not settle the Estate Tax,” wika ni Senador Pia.
“At the end of the day, you have to market this Amnesty that you’re giving to the people so that they will know and avail this because this is how you can save. And we have to emphasize its benefit,” dugtong ng senadora.
Taong 2018 nang pagtibayin ang bilang batas ang Estate Tax Amnesty na ipinatupad mula 2019 hanggang 2020. Pinalawig din ang nasabing programa noong 2022.
Sa ilalim ng 20th Congress, muling itinutulak ni Senador Pia ang panukalang batas na naglalayong tulungan ang mga Pilipino na bayaran ang mga natitirang pananagutan sa buwis.
Sa pagdinig, sinuri ng komite ang datos ng mga nakinabang sa programa at tinalakay ang mga panukala para sa pangalawang extension. Nabatid na mula 2019 hanggang Hunyo ng nakalipas na taon, nakalikom ang gobyerno ng P15.7 bilyon mula sa humigit kumulang 322,000 taxpayers.
Hihit ni Cayetano, bigyan ng pahintulot ang mga tagapagmana na bayaran ang mga hindi nabayarang buwis sa ari-arian nang hindi nagbabayad ng interes, mga surcharge, at mga penalty. Inilalapat din nito ang kasalukuyang 6% na rate ng buwis sa ari-arian, na mas mababa kumpara sa mga dating rate.
Gayunpaman, aminado si Cayetano na marami pa rin ang hindi batid ang batas at kalakip na benepisyo. Binanggit ng lady senator ang karaniwang kaso na tinalakay sa Cayetano in Action with Boy Abunda kung saan ang mga buwis sa ari-arian ay nananatiling hindi natutugunan ng ilang henerasyon, na kadalasang nauuwi sa hindi pagkakaunawaan sa pamilya at mga napag-iiwanan na pag-aari.
“Let’s say Mr. X died, and he has a wife and he has kids. So he and his wife have property. They didn’t do anything about it when he died. Then his wife died. Then among kids, one child lived on the property, the others didn’t. Then the one who lived in the property also died. Then his children and the cousins want to get the property. Mga kababayan, iyan ang nagiging problema,” sabi ng senador.
“They can settle it on their own, but the legal documents, the ownership will never be transferred unless they settle the taxes properly. This becomes the issue kasi nasa pangalan pa ng lolo, eh matagal nang patay si lolo. Away na talaga iyan. That’s why it is important to settle the estate taxes,” dagdag pa niya.
Udyok naman ni Senador Alan sa mga may ari-arian, sunggaban ang Estate Tax Amnesty. Aniya, mahalaga ang pagbabayad ng buwis dahil iyon ay “lifeline of government.”
Sinuspinde ni Senador Pia ang pagdinig sabay sabi na malapit nang talakayin ang panukala sa plenaryo.
“Mag-avail tayo ng tax amnesty. That’s why we’re having this hearing.”
