TULUYAN nang tinuldukan ng lupon ng prosecution panel ang paglalatag ng impeachment charges laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang press briefing, inanunsyo rin ni house lead prosecutor ang pagbawi ng prosekusyon sa kasong “bribery” na nakapaloob sa Article 3 ng Articles of Impeachment. Ginawa ni Luistro ang pahayag pagkatapos sumalang bilang testigo ang forensic financial analyst na si Atty. Alexander Cabrera. “I wish to formally announce that Atty. Alex Cabrera is the last witness of the prosecution for unexplained wealth,” ang sabi pa ni Luistro. “In other words, we are withdrawing Article 3 bribery,” dugtong ng lead prosecutor. Nitong Biyernes matapos na iprisinta ni House prosecutor at Akbayan partylist Rep. Chel Diokno si Cabrera bilang “expert witness, nakumpleto na rin aniya ang direct examination sa naturang testigo. Sa pagtatapos ng presentasyon ng prosekusyon, inaasahan naman isasalang sa cross examination ng mga abogado ni Duterte ang nabanggit na “forensic expert.” Pag-amin ni Luistro, inaasahan na ng prosekusyon ang mahaba at mabusising pag-usisa ng depensa kay Cabrera. Pagkatapos umano ng cross examination, posible rin aniyang magsagawa pa ng redirect at re-cross examinations ang magkabilang panig — bukod pa sa “clarificatory questions” mula sa mga senator-judges. “From the conclusion of the testimony of the expert witness, we wish to seek the guidance of the impeachment court as to when we will be filing the formal offer of exhibits,” saad pa ng lady lead prosecutor. Sinabi rin ni Luistro na magbibigay ang prosekusyon ng panahon sa depensa para sagutin ang formal offer of exhibits, habang ang Senate impeachment court naman ang tutukoy kung alin sa mga ebidensya o testimonya ang tatanggapin. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Meet-up sa dagat, bagong modus ng drug smugglers Saudi inatake ng Houthi forces, OFWs pinayuhan mag-ingat