MATAPOS ang tatlong sunod na dagdag-singil, inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na bilisan ang implementasyon ng P14 billion refund sa mga konsyumer.
Sa ilalim ng refund, tinatayang 25 sentimos kada kilowatt hour (kWh) ang matatapyas sa buwanang singil na katumbas ng konsumo sa kuryente.
Ayon sa ahensya, sisimulan ang pagbabawas sa buwanang singil simula Mayo hanggang sa susunod na taon.
