MALIBAN sa alkalde ng Pasig City, lahat nga ba ng mayor sa Metro Manila pasok sa “kumikitang kabuhayan” sa pangongolekta ng basura? Ito ang nais halungkatin ng special panel na target likhain ni Ombudsman Crispin Remulla hinggil sa sinasabing kotong ng mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR). Sa senado, unang tinanong ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III si Remulla hinggil sa usap-usapan kung paano nagkakamal ng pera ang mga tinaguriang “basura king.” “Would you have anyone in the Ombudsman that would give some local government officials how they are going about the pattern, saan kumikita at saan natataga ang kababayan natin?” tanong ni Sotto. “We will create a special investigative team for this, we will do it,” sagot ni Remulla. Paglilinaw ni Remulla, malaki ang papel ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa problema ng basura. Gayunpaman, nanindigan ang Ombudsman na nasasapawan ng mga LGU ang mandato ng naturang ahensya. “May mga character tayo sa society na basura king… it’s big money for them because the budget for basura is so big that it can blind a lot of people to just make money out of it.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Paglilitis kay VP Sara, tatapusin ng maaga? Bilang ng boto para sipain si Sara target idulog sa SC