“IF the evidence is already sufficient, there is no reason to drag the proceedings longer than necessary,” ayon ni House prosecution panel adviser at spokesman Ace Barbers. Para kay Barbers, mas mainam kung hindi na patagalin pa ang paglilitis sa pangalawang pangulo kung kumbinsido naman lupon ng tagausig sa tibay ng mga ebidensya at salaysay ng mga isinalang na testigo. Ayon kay Barbers, posibleng makaranas ng “public fatigue” o pagkaumay ng publiko ang masyadong mahabang proseso. Kabilang rin sa agam-agam ng kongresista ang posibilidad na mawalan na ng interes sa pinag-uusapan (sa impeachment trial) ang sambayanang Pilipino. Ani Barbers, hindi nais ng prosekusyon na pahabain ng walang dahilan ang impeachment proceedings, sa halip ay maaari naman mapaigsi, lalo’t sapat na ang mga naiprisintang mga ebidensya at testigo para magkaroon kaukulang batayan ang Senate impeachment court sa pagpapasya sa merito ng mga inihaing kaso. Giit ni Barbers, dapat bigyan ng patas na oportunidad ang prosecution at defense sa pagprisinta, pagkuwestyon at paglilinaw sa mga ilalatag na ebidensya at testimonya subalit dapat nakatuon ang proseso sa constitutional issues at factual questions, hindi sa teknikalidad. “The public deserves a trial that is both thorough and understandable. We should avoid unnecessary repetition, but we should also make sure that no relevant evidence is rushed or suppressed simply because people are getting tired,” sabi pa niya. “In other words: “Don’t shorten justice for the sake of attention; shorten the distance between the proceedings and public understanding.” Nilinaw naman ng former Surigao del Norte congressman na ang mga usapan o ingay ng ilang prosecution witnesses ang hindi na umano ipasasalang sa witness stand at pag-atras sa isang impeachment article para mapaigsi ang panahon ng paglilitis. “Pinag-uusapan pa lang yan ng mga kasapi ng prosecution at wala pang final decision on those matters. Whatever the decision would be, we will announce it as soon as possible,” ayon pa kay Barbers. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Tagausig, kuntento na sa mga hawak na ebidensya Metro Manila mayors, may kotong sa basura?