WALANG plano ang Office of the Ombudsman palampasin ang “pambababoy” na ginawa ng mga kongresista sa mga national budget sa nakalipas na tatlong taon.

Bilang pambungad, ibinahagi ni Ombudsman Crispin Remulla ang pagbuo umano ng isang study group na magsasaliksik at tutukoy mga mambabatas na sasampahan ng kaso.

Partikular na pinagbatayan ni Remulla ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang “unconstitutional” ang 2024 at 2025 national budget. Kasama rin sa mga pinuna ng korte ang unprogrammed appropriations (UA), o mga standby fund ng pamahalaan, sa 2026 budget.

Anang Ombudsman, higit na angkop suriin ang mga  desisyon ng Korte Suprema sa usapin ng “transparency” at “accountability” sa pamahalaan.

“We have to act. So we will study all of that and look at where the fault was and how to make people explain their side or at least be made responsible for what they did.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *