TINABLA ng Sandiganbayan First Division ang hirit ni dating Health Secretary Francisco Duque III na idiskuwalipika ang dalawang empleyado ng Department of Health (DOH) na tumestigo sa kinakaharap na graft case kaugnay ng tinaguriang Pharmally scam.

Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng anti-graft court ang graft case kontra Duque kaugnay ng umano’y irregular na paglipat ng P41 bilyong pondo para pambili ng COVID-19 supplies.

Sa urgent motion ng mga abogado ni Duque, hayagang tinutulan ang pagtestigo nina Dawnavi Lacsado at Abegail Conchada, dating administrative officers sa DOH central office lalo pa anila’t nasa rekord na ng korte ang anumang testim,onya mula sa mga nabanggit na kawani ng ahensya.

Gayunpaman, iginiit ng prosekusyon na walang basehan ang depensa para  idiskuwalipika ang dalawang testigo, bukod pa sa outdated na umano ang mga jurisprudence na ginamit ng mga abogado ni Duque.

Ayon sa prosekusyon, mahalaga ang magiging testimonya ng dalawang testigo dahil matutukoy rito ang kapasidad ng DOH na bumili ng sariling medical supplies sa panahon ng COVID-19 pandemic na hindi na kailangan idaan sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *