SA halip na tumulong ipakulong ang mga utak sa likod ng flood control scandal, pilit na inililihis ni dating Senador Antonio Trillanes ang usapin ng pinakamalaking korapsyon sa kasaysayan ng bansa.
Ito ang pasaring ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kasabay ng giit na pinagtatakpan umano ni Trillanes ang isang prominenteng politikong malapit sa Palasyo.
Partikular na tinukoy ni Panelo ang pagsasampa ng plunder case ni Trillanes laban laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go.
“He has been lying… tingin ko pinagtatakpan niya yung flood control projects at gusto niyang ipokus dito sa mga kalaban niya. Kasi kung totoo ‘yan, bakit hindi niya nilabas noon pa?” wika ng de-kampanilyang abogado.
“Lahat ng kasinungalingan nilalabas niya to make himself politically relevant but ang problema mga kasama sa media eh pinapatulan siya eh,” aniya pa.
