HINDI makatwiran bigyan ng mas mababang sahod ang mga manggagawa sa probinsya lalo pa’t wala naman pinagkaiba ang trabaho ng mga obrero sa kabisera.
Ito ang giit ni Kamanggagawa partylist Rep. Elijah San Fernando kasabay ng paghahain ng House Bill 5678 (Fair Industry Wage Bill) na nagtutulak ng “uniform rate” sa hanay ng mga manggagawa saan mang panig ng bansa.
“Hindi dapat maging batayan ng kabuhayan ng manggagawa kung saan siya pinanganak o saan siya nakatira,” wika ni San Fernando sa isang panayam.
“Pare-pareho ang trabaho, pero magkaiba ang sahod, dahil lang sa zip code. Through industry-based wages, we align pay with the value of work, not location,” dagdag ng kongresista.
Pag-amin ni San Fernando, mas palalakasin pa ng kanyang panukala ang House Bill 94 (National Minimum Wage Bill) na una niyang inihain sa Kamara.
“While the National Minimum Wage Bill sets the floor, the Fair Industry Wages Bill ensures that every industry builds upward from that floor: fairly, transparently, and based on real economic value. The existing regional wage mechanism locks provincial workers in low-wage cycles while prices and profits continue to soar. These bills seek to fix that,” dugtong ng partylist congressman.
Sa ilalim ng HB 5678, papalitan na ang mga regional wage board ng Industrial Tripartite Wage and Productivity Boards (ITWPB) na siyang tutukoy sa sahod ng iba’t ibang industriya. Target ng solon ihanay ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE), employers, at workers’ organizations bilang miyembro ng ITWPB.
“The time has come to rebuild the economy around the dignity of work—not cheap labor, but just wages. True progress is not measured by stock market gains or GDP growth, but by whether workers can live decently from their labor,” aniya pa.
Paglilinaw ni San Fernando, layon ng kanyang panukala isulong ang patas na wage structure na nakabatay sa kakayahan ng manggagawa at pagiging produktibo ng mga industriya.
Umapela rin siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara bilang urgent measure ang panukalang P200 dagdag-sahod para sa mga manggagawa.
Aniya, panahon na upang maisakatuparan ang “wage recovery” para sa mga manggagawang matagal nang naiipit sa taas ng presyo ng mga bilihin, kasabay ng giit na hindi sapat ang baryang umentong alok ng mga regional wage board.
