INAPRUBAHAN ng Department of Justice (DOJ) ang mga bagong ebidensyang nakalap at isumite ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng reklamong plunder na inihain laban kay Senador Jinggoy Estrada at iba pa.
Sa regular press briefing ng kagawaran, ibinahagi ni Atty. Polo Martines na tumatayong tagapagsalita ng DOJ, ang isinumiteng mosyon ng NBI sa isinagawang preliminary investigation nitong Lunes.
Samantala, nagbigay lang ng 10 araw ang DOJ prosecution panel sa mga respondent para sagutin sa bisa ng kontra-salaysay ang alegasyon ng katiwalian sa likod ng tinaguriang flood control scandal.
Gayunpaman, nilinaw ni Martinez na kinakailangang personal na manumpa si Estrada at ang kanyang mga kapwa respondent sa harap ng mga piskal. (JULIET PACOT)
