Comelec chair George Garcia
HINDI ikinalugod ng isang peryodista ang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa inihaing reklamo laban sa katunggali sa politika – dahilan para sampahan ng disbarment case laban ang mga opisyal ng naturang ahensya.
Sa impormasyon ng Korte Suprema, partikular na tinukoy ang disbarment case na inihain ng talunang kandidato sa posisyon ng mayor sa bayan ng Mapandan sa lalawigan ng Pangasinan.
Batay sa reklamong inihain sa Korte Suprema ni Jaime Aquino, publisher ng Northern Star, nabigo umano si Comelec chairman George Garcia gampanan ang mandato sa patas na pagsuri sa paglabag ng noo’y kandidatong si Karl Christian Vega.
Partikular na tinukoy ni Aquino ang kawalan umano ng “due process” sa reklamong vote-buying laban kay Vega.
Gayunpaman, nilinaw ng Comelec na nabigo si Aquino tupdin ang patakaran sa paghahain ng election-related cases.
Aniya, walang abiso ang Comelec na kailangan maglagak ng P10,000 filing fee at P100 legal research fee.
“Ang laki-laki ng pondo ng Comelec, bakit naniningil? Kung sa piskalya ko sinampa ang kaso na vote buying, vote selling, o kaya sa Office of the Ombudsman, wala akong babayaran kahit isang sentimo,” aniya.
Bukod kay Garcia, kabilang rin sa mga sinampahan ng disbarment case simna Commissioners Aimee Perolino, Rey Bulay, Maria Norina Casingal, Ernesto Maceda Jr., at Nelson Celis.
Alegasyon ni Aquino, nagpamudmod umano ng P3,000 si Vega sa mga botante at mga sasakyan para sa mga barangay officials noong nakaraang halalan. (JULIET PACOT)
