KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na pormal nang hiniling ng pamahalaan sa International Police(Interpol) na ilagay sa red notice si dating Ako Bicol partylist Congressman Zaldy Co
Katunayan, Nobyembre 23 pa nang isumite sa Interpol ang “formal request” na idinaan sa Philippine Transnational Crime
Paliwanag ni NBI spokesperson Palmer Mallari, kapag inaprubahan ng Interpol ang hirit na red notice, agad na ipapadala ang kopya ng nasabing dokumento sa lahat ng mga bansang kasapi para ipaalam na may inilabas na warrant of arrest ang hukuman sa Pilipinas laban kay Co.
Ang international red notice ng Interpol ay isang global alert system kung saan pinababatid sa lahat ng law enforcement groups o units ang paghahanap, pagtugis at pagdakip sa sinumang nasa talaan — saan mang bahagi ng mundo.
Magugunitang nagbitiw bilang kongresista si Co matapos itong masangkot sa bilyon-bilyong pisong kickback umano sa flood control projects. (Juliet Pacot)
