
SA bawat pagkaantala ng proyekto, apektado ang presyo ng kuryente sa merkado, ayon sa isang opisyal ng National Transmission Corporation (Transco) sa pagdinig ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara.
Ayon kay Transco Vice President Dinna Dizon, hindi maiiwasan ang pagtaas sa presyo ng kuryente sa bawat proyektong hindi natapos sa takdang oras ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Batay sa datos na ibinahagi ni Dizon, 75 lang sa 258 proyekto (katumbas ng 29 percent na kumakatawan sa 10 percent capital expenditure) ang natapos ng NGCP sa ikaapat na Regulatory Period na sumasaklaw mula 2016 hanggang 2022.
“NGCP completed much of the other projects within 2023–2024, or beyond the 4th regulatory period. There are projects with a maximum delay exceeding nine years. Similarly, 58 ongoing projects, or 75%, are also delayed, with the maximum delay again for some exceeding nine years,” wika ng Transco official.
Sa aniya sa dami ng “delayed projects,” pinatawan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang naturang kumpanya ng multang aabot sa halagang P15.8 milyon.
Giit ni Dizon, ang pagkabalam ng mga proyekto ng NGCP ay nadagdagan pa ng paggamit ng ERC ng “as-spent” approach sa pagtataya ng Maximum Annual Revenue (MAR) ng kumpanya.
“The adoption of the as-spent approach results in a higher transmission rate by 80 centavos per kilowatt hour, give or take a few,” paliwanag ni Dizon.
Sa ilalim ng MAR, pinagbabayad na ang mga konsyumer sa gastos ng NGCP sa mga proyektong wala pa naman pakinabang sa publiko.
“There is a cost implication directly for the transmission charge. For every ₱5 billion worth of CAPEX Capital Expenditure), the additional amount of transmission rate is about one-half of one centavo per kilowatt hour,” ani Dizon.
“But there is also an indirect impact, like the cost to the economy. Higher electricity costs may be a result of using more expensive alternative power sources because the lines are not available to deliver the cheaper sources.”
Iginiit din ni Dizon ang kahalagahan ng paggamit ng tamang rate-setting practice para tiyakin hindi lumalabis ang singil sa mga konsyumer.
“The objective of performance-based regulation is to ensure that only completed projects and efficient cost of ongoing projects are included in the opening RAB [Regulatory Asset Base],” dagdag pa ni Dizon. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)