LIGTAS na nabawi ng mga operatiba ng lokal na pulisya ang isang taong gulang na sanggol matapos gaminting hostage ng sariling ama sa kahabaan ng C-6 Road, Barangay Sta. Ana sa bayan ng Taytay.
Sa ulat ni Rizal Provincial Police director Col. Felipe Maraggun, ligtas na isinuko ng 26-anyos na suspek na kinilala lang sa pangalang Vin ang patalim na ginamit sa pangho-hostage ng sariling anak.
Sa imbestigasyon ng pulisya, umabot sa tatlong oras ang negosasyon sa pagitan ni Maraggun at ng suspek na di umano’y aburido bunsod ng problema sa asawa.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso kabilang ang paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2024), alarm and scandal, at illegal possession of bladed weapon.
Nasa kustodiya na ng ina ang hinostage na bata.
Samantala, nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang naturang insidente. (EDWIN MORENO)
