Ni Estong Reyes
TINULDUKAN ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang malupit na “no permit, n o exam” policy sa lahat ng paaralan matapos ratipikahan ang bicameral conference committee report hinggil sa panukala ng Senado at Mababang Kapulungan.
Ginamit ng report ang Senate Bill NO. 1359 at House Bill No. 7584 na naglalayong ipagbawal sa lahat ng educational institutions ang “ no permit, no exam” policy na lubhang nakakasagabal sa pag-aral ng estudyante.
“The Senate and House panel unanimously agreed on this version and fully support[ed] the Coordinating Council of Private Educational Associations in prohibiting the no permit, no exam policies in so far as disadvantaged students are concerned,” ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero sa plenary session nitong Miyerkoles.
Upang makatipid ng oras, ipinanukala ni Escudero na isingit sa records ng sesyon ang joint explanatory statement nghe committee conference sa disagreeing provisions ng batas.
Inaprubahan ng kanyang mosyon, saka inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mosyon para sa pagpapatibay at ratipikasyon ng report.
Walang tumutol sa lahat ng senado na dumalo sa sesyon kaya’t naaprubahan, naratipikahan at pinagtibay ang report.
Ayon kay Escudero, isponsor ng SBN 1359 na tinagurian niyang pinakamalupit na miulta ang “no permit, no exam” policy.
“By any moral yardstick, forcing a student to forfeit an exam is the cruelest of fines. It triggers a chain of events that is sometimes life-altering for the student, for the worse, not only of denied diplomas but also of dead dreams,” ayon kay Escudero.