PARA maiwasan magamit ang Simbahang Katoliko sa pulitika, nanawagan ang isang obispo sa mga lider ng simbahan na magbitiw muna sa tungkulin kung nais kumandidato sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Panawagan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo, maghain ng leave of absence sa kanilang kinabibilangan parokya – “They should file a leave of absence addressed to their respective parish priests once they file their certificates of candidacy,” saad sa isang bahagi ng inilabas na circular ni Bishop Villarojo.
Ayon kay Villarojo, pwede pa rin naman aniyang magsilbi sa simbahan ang mga tagumpay na kandidato bilang miyembro na lang ng kinabibilangang grupo – kung pahihintulutan ng parokya.
Gayundin aniya sa mga hindi papalarin sa halalang nakatakda sa Oktubre 30.
Paalala ng obispo, hindi rin pwede gamitin ang anumang pasilidad ng simbahan gayundin ang pangalan ng mga religious groups.
“In as much as we encourage the participation of the flock in nation-building, we are also aware of the possible danger of confusion when it comes to exercising power in the church and in public office,” ani Villarojo sa isang kalatas na pirmado ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting coordinator Fr. Lou Salvador Jess de Silva at Commission on Social Action chairman Fr. Melchor Ignacio.