PIHADONG sisipa na naman ang presyo ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko sakaling kapusin ang supply sa merkado bunsod ng implementasyon ng importation ban para sa live hog and pork meat mula sa bansang Taiwan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel, pansamantalang ipinagbabawal ang pag-angkat ng baboy (buhay man o karne) mula sa Taiwan bunsod ng African Swine Fever (ASF) sa naturang bansa.
Para kay Laurel, higit na mahalaga tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng mga konsyumer sa bansa, gayundin para tiyakin hindi maapektuhan ang local hog industry.
Pasok din sa direktiba ng Kalihim ang “bulog” o pagpapalahi ng baboy sa bisa ng “artificial insemination.”
