SAPAT at matibay ang ebidensyang magdidiin kay dating Senador Bong Revilla, ayon kay Ombudsman Crispin Remulla kasabay ng pagtitiyak na sa loob ng bilangguan na aabutin ng Pasko ang dating mambabatas na minsan nang nakulong dahil sa katiwalian.
“Posible yan… baka next week. Yan ang low-hanging fruit saka matagal na yan lumabas at matagal na rin iniimbestigahan,” ani Remulla sa panayam isang panayam sa telebisyon.
Una nang inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng panibagong kasong plunder laban kay Revilla kaugnay ng flood control scandal, batay na rin sa testimonya nina dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo at Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
“Most of it will be, I think malversation will be the predicate crime. Possible plunder…It’s something that is ongoing right now. I don’t know kung anong stage na yung preliminary investigation,” aniya pa.
Una nang ikinanta ni Bernardo si Revilla na umano’y tumanggap ng P125 milyon noong Disyembre 2024 para sa kampanya para senador – at humirit pa ng karagdagang P250 milyon ilang araw bago pormal na sumipa ang campaign period.
Todo-tanggi si Revilla sa alegasyon ni Bernardo at Alcantara.
